#AngelPortalEcosystemProject: GOOD NEWS!!! Umarangkada na po ang Angel Portal Ecosystem Project, isang makabagong proyekto natin na layong irehistro ang bawat mamamayan ng lungsod sa Angel Portal Application na lubusang makakatulong lalo na sa mga frontline services at mga transakyon na kanilang kailangang gawin.
Kaakibat ng pagsisimula ng pag-iikot ng mga data gatherers na kabilang sa Citizen Registration Information System-Team o mas kilala sa tawag na CRIS-T sa bawat barangay noong ika-18 ng Nobyembre upang maparehistro ang bawat Tarlakenyo, nagpaskil din ang Pamahalaang Lungsod ng mga tarpaulins sa bawat barangay hall na kung saan inilalahad dito ang mga kapakinabangan ng pagkakaroon ng nasabing application.
Ang nasabing application ay siyang kauna-unahan dito sa Tarlac Province at buong Region 3 at dahil sa proyektong ito, mas mapapadali ang paghahatid ng serbisyong publiko ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng agarang pagpapaabot ng mga pangangailangan tungkol sa traffic, basura, emergency at iba pa.
Lubos din po ang aking pasasalamat sa bawat barangay dahil sa kanilang aktibong pakikilahok sa proyekto upang mas makatulong sa ating mga kababayan.
#MagkaisaBawatOrasSamaSama
https://www.facebook.com/tarlaccitymayorcristyangeles/posts/2833278626913620