Hi this is Smart Baguio City in my Pocket Ecosystem
Welcome to the Mobile Registration Officer App. Para sa mga Nominated Purok Enumerator bilang Authorized Registration Officer o ARO.
Ang bawat ARO ay certified ng kanilang barangay na dumaan sa accreditation ng kanilang Local Government Unit mula sa kanilang Local Civil Registry. “Ang layunin nang Barangay Inhabitant Record Registration gamit ang Mobile Application System, ay ang pagmentena ng records at makapagtala nang tamang datus at impormasyon nang lahat nang naninirahan o mamamayan ng bawat komunidad nang Barangay, base sa DILG Memorandum Circular 2005-69 in connection with R.A. 10121 lalo na sa panahon nang Kalamidad.”
Upang makapagsimula:
Step 1: Sa mga napiling ARO mabibigyan kayo ng link upang idownload ang App sa inyong Smart Phone at iinstall.
Step 2: Buksan ang Mobile App. Pindutin ang Sign-up button at basahin ang terms and conditions sa ibabang bahagi ng app. At kung ikaw ay sumasang-ayon sa privacy policy ng system iclick ang accept button.
Step 3: Ilagay ang mga impormasyon na kailangan tulad ng iyong unique username at password na kailangan mong tandaan sa iyong pag-log-in, mag selfie at iclick ang camera button para sa iyong facial id at I-save.
Step 4: Mag-log-in gamit ang iyong username at password at maari mo nang gamitin ang iyong personal Mobile Registration Officer App upang iregister ang mga citizens sa inyong komunidad.
Pindutin ang add citizen button at pumili kung online o offline.
Importanteng ipabasa sa Citizen ang terms and Conditions ng Privacy policy ng system, At ipaclick sa citizen ang accept button bilang pahintulot sa pagtala ng kanilang impormasyon.
Ipatala sa Citizen ang mga kailangang impormasyon upang maverify ang kaniyang registration tulad nang FIRST NAME, MIDDLE NAME,LAST NAME,BIRTHDAY, MOTHERS MAIDEN NAME.
Kapag kumpleto na ang impormasyon pindutin ang verify button upang malaman kung nakapagregister na o nairegister na ang citizen.
Kapag hindi pa nairegister o hindi pa nakapagregister ang Citizen magpatuloy sa pagtala ng kaniyang mga importanteng impormasyon tulad ng tenurial status, civil status at fill-upan ang child form kung may anak na.
Kilangan din maglagay ng citizen ng kaniyang username at password na gagamitin nya sa pag Log-in.
Pindutin ang camera button sa itaas na bahagi ng form para sa kanilang facial id at I-save.
Ang lahat ng impormasyon ng registered citizen ay mapupunta sa private cloud server or on prem server sa pangangalaga ng inyong Local Government unit na may mahigpit na pagsunod sa alituntunin ng RA 10173 o ang Data Privacy Act of 2012.
Ang ilang impormasyon ng isang registered Citizen ay maaaring gamitin ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno lalo na sa panahon ng Emergency, krisis at Disaster upang matugunan ang mga pangangailangan nila alinsunod sa RA 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.
Ang Layunin ng Programang ito ay ang mga sumusunod:
- Upang matulungan ang city government sa pamamagitan ng bayanihan katuwang ang mga barangay at ang kani-kanilang purok o komunidad gamit ang mobile app.
- Upang mairehistro ang lahat ng bawat miyembro ng pamilya sa bawat komunidad
- Upang makapag anunsyo ng agarang pampublikong impormasyon at konsultasyon sa mga mamamyan
- Upang makapag bigay ng konbinyenteng serbisyo publiko para sa lahat ng rehistradong mamayan, lalo na sa panahon ng kalamidad
- Upang makapag bigay ng mabilis at konbinyenteng serbisyo at anumang transaksyon sa gobyerno at
- Upang makalikha ng trabahong pang komunidad sa prinsipyong “market to home” product delivery.
- Maraming salamat sa inyong pakikipagbayanihan para sa isang maunlad na komunidad.