Orientation para sa Smart City angel Portal Ecosystem project

Sa utos ni Mayor Cristy Angeles, pinulong ang mga miyembro ng barangay council sa 76 na barangay sa lungsod ng Tarlac para sa isang Orientation bilang paghahanda sa Smart City Angel Portal Ecosystem Project ngayong araw ika-6 ng Oktubre, 2020. Ito ay pinangunahan ni ABC President, Winston Torres, CLGOO- DILG Engr. Robert Diola kasama ang CEO / President at Founder ng ITBS, Jhon Paul Miranda, ITBS Marketing Consultant, Engr. Rolando Malig, ITBS Special Technical Consultant, Lester Morfe at ITBS IT Project Manager,Ervin Patrick Cui.

Kauna-unahan sa buong Region III ang Smart City Angel Portal Ecosystem Project na may layuning matulungan ang Lokal na Gobyerno sa pamamagitan ng bayanihan katuwang ang mga barangay at ang kani-kanilang purok o komunidad gamit ang Citizen Mobile App.

Ang nasabing App ay may hangaring mairehistro ang lahat ng bawat miyembro ng pamilya sa bawat komunidad, makapag anunsyo ng agarang pampublikong impormasyon at konsultasyon sa mga mamamayan. Makapagbibigay din ang Lokal na Pamahalaan ng kombinyenteng serbisyo publiko para sa lahat ng rehistradong mamamayan lalo na sa panahon ng kalamidad maging sa pag-report ng emergency at pagpapatupad ng mga batas pantrapiko. Mabilis na serbisyo at transaksyon mula sa gobyerno din ang dulot nito na makalilikha ng trabahong pang komunidad gamit ang prinsipyo ng “Market to Home” Product Delivery.

Ilan pa sa mga features ng nasabing application ay ang mga sumusunod:

  • Digital ID, QR Code at Facial ID;
  • System para sa health records, local civil registry at waste management

Patuloy ang mga plano ni Mayor Cristy sa pag-unlad ng Tarlac City na makakasabay sa nagbabagong panahon at umuusbong na teknolohiya.

#TarlacCityInformationOffice
#MagkaisaBawatOrasSamaSama

Source
https://www.facebook.com/tarlac.cio/posts/4449480085122917